Wednesday, September 8, 2010

bossy



bossy


Bakit kaya may mga taong
bossy? Natural lang ba talaga sa kanila ang pagiging lider or nagmamagaling lang sila at gusto nila utusan lahat ng tao? Hmm... Malamang depende pa rin ‘yun sa tao. May iba kasi na natural na sa kanila ang nasa itaas kumbaga born to be a leader at hindi mo makikitaan ng kayabangan. May iba naman na nagmamagaling lang, utos dito utos doon, ‘di rin naman sila gumagalaw. Alam mo ba kung ano ang gusto ko iparating? Naiinis ako, kasi kapag ikaw ang nautusan ng mga tang bossy kahit gaano kalaking effort ang ibigay mo parang wala pa rin, kasi may mapapansin at mapapansin siyang mali. Pero minsan naiintindihan ko rin ang iba sa kanila, kasi kung ang mga miyembro ng grupo mo ay walang initiative karapa-dapat lamang silang bigyan ng kanilang mga gagawin upang sila ay kumilos. Ganyan talaga sa school, bawat isa ay may kanya kanyang personality. Dapat lang ay intindihin at irespeto natin ang kanya-kanyang ugali,baka may malalim na dahilan kung bakit sila gano’n o marahil ay hindi lang nila napapansin ang ugali nilang gano’n. Kaya dapat kausapin din natin sila para maging aware sila at hindi ‘yung nag-babackfight tayo sa kanila. 

1 comment: